tula manen
yaman pay ta adda met laeng naikur-it.
ngem pasensiakayon, a, ta tula daytoy. tagalog. iloko koma daytoy sakonto ipatarus iti tagalog (wenno filipino kano) ngem managsulsulit met la unay dataon isu nga indiretsokon a tinagalog. samboten man ta medio nainspirar man datao nga agdaniw manen, natignay bassit ti agsasadut a kur-it. adda ngamin manen isaruno a chapbook wenno antolohia ti daniw ti nakaikamengak nga egroup, ti km64. kinapudnona adun ti antolohia ti km64 a pakairamanan ti chapbook maipapan iti hacienda luisita masaker nga immuna a nakipartisiparak. maipapan met iti edukasion ti tema wenno topiko ita ti kaudian nga antolohia. pinilitko man met ti agdaniw maipapan iti edukasion iti filipinas. kunaek a tradisional daytoy kastoy a tula ken/wenno pagtula iti literatura a tagalog iti era ti aktibismo wenno underground wenno iti agdama latta a konstrak wenno konsepto ti tibak a literatura ken/wenno protest lit. ket wen, adda ken aduda pay laeng met a dagiti tibak iti man arte, literatura, ideolohia nangruna iti dasig wenno linia dagiti agtutubo, estudiante, intelektual, ken wen, petiburgista. kakastoykami iti egroupmi, hehehe! agduduma ngem agkakadua ketdi iti panunot ken pampanunot.
adtoy ngaruden 'tay tula:
HINDI NAMIN KAILANGAN ANG EDUKASYON
We don't need no education
We don't need no thought control
No dark sarcasm in the classroom
Teachers, leave them kids alone
-- Pink Floyd
hindi namin kailangan ang edukasyon
sapagka't ang aming kamulatan ay isinabotelya
sapagka't ang aming kalayaan ay isinalata
sapagka't ang aming kasanayan
ay isina-instant
instant mix
instant fix
instant drink
instant food
instant good
instant load
instant instant
lahat na lang instant
hindi namin kailangan ang edukasyon
ng edukasyong itong panlahat sa iilan
ng edukasyong itong pang-ilan sa nilalahat
ng edukasyong itong nanlalahat sa mangilan-ilan
edukasyong nalalango
sa bango ng mcdo
edukasyong nahirati
sa bula ng coke at pepsi
edukasyong busog
sa imported na lugod
edukasyong hinubog
sa global na libog
hindi namin kailangan ng edukasyon
sapagka't ang aming mga karapatan
sa kaalaman
sa karunungan
sa kairalan
sa paaralan
sa katiwasayan
ay nasa petaka
nasa bulsa
nasa pagnanasa
ng mga makina
ng makinarya
ng oligarkiya
ng burukrata
ng kapitalista
ng pasista
ang aming edukasyon ay nasa lupa
ang aming edukasyon ay nasa luha
ang aming edukasyon ay
nasa paslit na gutom
nasa gutom na paslit
ang aming edukasyon ay
nasa tamis
at linamnam
ng maruyang kasaba
nasa sarap
at sabor
ng maputlang ispageti
sapagka't ang aming edukasyon ay pawis
ng magsasaka
ng mangingisda
ng manggagawa
ang aming edukasyon ay nasa lupa
ang aming edukasyon ay nasa luha
ang aming edukasyon ay buhay
ang aming edukasyon ay kamatayan
kasaysayan
karanasan
himagsikan
tunggalian
ang aming edukasyon
ay hindi bala
hindi pulbura
hindi tingga
ngunit ang aming edukasyon
ay nagmumula sa
bala, pulbura at tingga
ang aming edukasyon ay biyaya
ng gulok
kampilan
talunasan
tabak
panabas
karit
ang aming edukasyon
ay sagana sa dugo
sagana sa luha
sagana sa lupa
sagana sa baga
hindi namin kailangan ng iyong edukasyon
ang kailangan namin ay aming edukasyon