mannurat.com mannurat.com mannurat.com mannurat.com mannurat.com mannurat.com

mannurat.com 9/17/2004

tumagalog, ay, fumilipino naman datayo, ano?

subukan ko nga ring mag-tagalog, este, mag-filipino pala nang hindi naman kind of feeling offended ang ilang kaibigan at/o kakilala at/o mga kababayang nayayaya o naliligaw at/o napapadpad sa blog na 'to. siyempre naman, natural lang, kapag napunta ka o natunghayan mo ang isang website na iba o kakaibang wika ang gamit ay nadoon yung feeling ng pangingilag o pag-atras dahil "what the heck bakit ba at sa sarili lang niyang salita niya pinapaandar o ipinangangalandakan ang website niya, tse! e, naturingang public na website at di naman private kasi di naman kailangan ng username/password para tunghayan e bakit ba limited na limited ang dating at parang ang balak o intensiyon ng mokong na ito e exclusively para lang sa mga kaututang dila niya't kalahi o katribu? bakit di gumamit ng english, ng tagalog, ng lingua franca?"

kaya, heto na po, occassionally na po ay magta-tagalog ako, hindi pala, magfi-filipino ako (at mage-english english din minsan) sa aking blog. para naman sa kasiyahan o sa ikasisiya ng balanang kinda threatened o kaya nababaduyan (yun na!) sa iloko, hehe! hindi, hindi naman. sa ilokano lang naman kasi ako at nasanay magbasa't magsulat sa iloko kaya ganito. pero siyempre pa, pangalawang wika ko itong tagalog, ay, filipino pala! at nagsasalita't nagsusulat' nag-iisip din ako sa filipino. so, try nga natin ngarud na maging trilingual dito. o kaya subukan man natin ti gumamit iti "tagilocan" kung maminsan no maganda met lang, hehe! (although, sa ganang akin isa ring lingua franca ang iloco dahil milyon-milyon ang gumagamit nito hindi lamang sa buong arkipelago ng pilipinas kundi sa buong daigdig, hmmm)

nababaliw na yata ako, huuuu! agkuerong na nga yata ni siak? baka met no ikaw, bakit binabasa mo pa rin ito, nyehehe!

pasensiya na. wala lang magawa sa ngayon. wala lang maisip na iblog kaya eto na lang. wala lang.

ngapala, naisipan din lang nating mag-filipino naman dito e nagpapasalamat pala ako kay Cidrick Bartolome, isang mag-aaral sa University of the Philippines sa Baguio, sa pagtitiwala niya sa atin bilang resource niya sa isang takdang aralin yata o susulating saliksik o siyasat ukol sa mga rehiyonal na manunulat. may mga tanong siya, may questionnaire, pero hindi ko nasagot na lahat dahil kailangan na niya kinabukasan ng hapong tumawag siya't nakipag-usap sa akin sa telepono. sinabi ko na lamang sa kanya na ang sagot sa karamihan ng kanyang mga tanong ay matatagpuan na niya sa aking website (yung dati).

pero may mga sinagot naman ako siyempre, mga minadali, maikling sagot sa ilan niyang magagandang tanong. gusto ko kasi ang mga tanong niya at gusto ko sanang bigyan ng mas mahaba-haba o mas maliwanag na pagpapaliwanag ang mga ito pero kapos talaga ako ng panaho't pagkakataon.

aking ibabahagi dito ang ilang pahapyaw kong mga tugon.

halimbawa, sa tanong niyang "ano po ang inyong istilo ng pagsulat?" ay ganito ang konti kong sagot:

para sa akin, itinuturing ko pa rin ang sarili bilang baguhan na naghahanap pa rin ng sariling istilo ng/sa pagsusulat at pagsulat at isusulat. baguhan ako at lagi't lagi'y baguhan dahil sa pagiging baguhan o sa pag-iisip na baguhan lamang ako patuloy na magsusumikap matuto, mag-aral, magbasa at magbasa at magsulat at magsulat. kung sabihin ko kasing di na ako baguhan, parang narating ko na yung hangganan at baka titigil na ako doon. ayoko nang gano'n.

at mahirap kasing bigyan ng matama at eksaktong katugunan ang usaping istilo kung ang manunulat mismo ang tinatanong o pinapasagot. sa ganang akin, ang mga mambabasa o mananaliksik na mismo ang makadadama o makahahalata o makakikita sa istilo ng manunulat na kanilang binabasa ang mga akda. sa kanila pa rin ang husga o ang karampatang reaksyon, bilang mga recipients, audience, o target na tagatangkilik ng akda, at kaya sila na rin ang siyang magtatakda ng kaukulang pansin o tawag sa kung anong istilo ba nagsusulat o nagiging isang manunulat ang isang manunulat.


sa tanong na "ano po ang inyong opinyon sa mga temang gender issues tulad ng homosekswalidad at katayuan ng babae sa lipunan?" ay nasabi ko: "batayang karapatan ang pagiging babae, bakla, lesbian o ano pa, kagaya rin ng sa pagiging lalaki. pare-parehas lang. kaya ibigay ang karapatang iyan sa sinuman sa kanyang kasarian o sekswalidad/homosekswalidad. masyado lang kasing patriarkal ang lipunan o kulturang ito ng pinoy dahil sa kolonyal at neokolonyal na mga isip at nakagisnan. ayos lang sa akin ang panitikang femenista at ang gay lit. gusto ko rin sanang magsulat ng mga ganyan sa panitikang ilokano pero sa palagay ko'y di pa handa ang mga ilokanong mambabasa o literati sa mga ganyang bagay."

siguro sa mga susunod na pagba-blog ko ay unti-untiin kong bibigyang pansin at espasyo dito ang iba pa sa mga tanong ni cidrick. bakasakaling hindi ako tamarin at mabigyan ko sila ng mas maiinam na mga sagot.

ayan, ha? talagang sineryoso ko nang mag-filipino, hehe!

2 makuna:

idi 1:21 p. m., septiembre 21, 2004, Anonymous Anónimo nakunana...

agyamanak, apo ruperto iti ibibisitayo ken iti paliiwyo... bareng saanen nga agreklamo dagitay gagayyemko nga anggalog ngarud, hehehe!

--rva

 
idi 5:53 p. m., septiembre 21, 2004, Blogger fionski nakunana...

Parang sumobra yata ang pag tagagalog/filipino mo. Medyo malalim. Hehehe.
Lipat mo na rin kaya dito yung dating site mo sa geocities?

 

Publicar un comentario

<< Home